Ang mga Maranao sa Pilipinas

                      Mahigit sa isang bilyong tao mula sa lahat ng mga lahi, nasyonalidad at kultura ang bahaging ito ay nagbibigay ng isang pagpapakilala sa kung sino ang mga Muslim at ang kanilang nai-ambag sa mundo. Ang isang Muslim ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, ang Muslim ay ang sinumang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos. Mayroon silang iba-ibang wika, pagkain, damit, at kaugalian; kahit na ang paraan ng kanilang kasanayan ay maaaring magkakaiba. Gayunpaman lahat sila ay itinuturing ang kanilang mga sarili bilang Muslim.
                     Ang isa sa mga dahilan ng mabilis at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang kadalisayan ng doktrina nito - ang Islam ay nag-aanyaya sa pananampalataya sa tanging nag-iisang Diyos. Ito, kasama ng mga Islamikong konsepto ng pagkakapantay-pantay, katarungan at kalayaan, ay nagbubunga sa isang nagkakaisa at mapayapang pamayanan. Ang mga tao ay malayang maglakbay mula sa Espanya patungong Tsina nang walang takot, at walang pagtawid sa anumang mga hangganan. Sila ay maaaring matagpuan sa isang distrikto sa Quiapo, Maynila at sa ilang mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao, at Lanao del Sur. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan. Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging matapat. Mayroon silang sari-sarili at katutubong kultura ngunit pareho ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa kanilang diyos na si Allah. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao, Maranao, Samal, Tausug, Yakan, at Badjao.

ANG MGA MARANAO 
                     Isa sa mga grupong Muslim sa Pilipinas ay ang mga Maranao. Orihinal na mula sa lugar na nakapalibot sa Lanao Lake sa isla ng Mindanao ang mga Maranaona kilala rin sa mga baybay na Meranao, Maranaw, at Mranaw sila ay isang mayoryang-Muslim na pangkat etnikong Pilipino. Kilala sila sa kanilang epikong panitikan, ang Darangen, gayundin ang kanilang paghabi, kahoy, plastik, at metal na sining. Ang Iranun, Maguindanao, at iba pang mga komunidad na kinilala bilang nagsasalita ng mga wika ng Danao at nagbigay ng pangalan sa isla ng Mindanao ay malapit na nauugnay sa kanila sa parehong etniko at kultura. Dahil sa kanilang katulad na relihiyon, sila ay nauuri sa ibang mga Moro. 

                     Tumutukoy ito sa Lawa ng Lanao, ang pangunahing tampok na heograpikal ng ancestral homeland ng mga Maranao. Inaakala na "Iranaoan" ang orihinal na endonym ng mga ninuno ng Maranao. Ang mga inapo ng tribong ito kalaunan ay naghiwalay upang mabuo ang kasalukuyang mga taong Maguindanao at Iranun, habang ang orihinal na Iranaoan na nanatili sa Lawa ng Lanao ay nakilala bilang Maranao. Ang mga wikang sinasalita ng tatlong etnikong grupong ito ay pawang miyembro ng pamilya ng wikang Danao, at konektado pa rin sila sa isa't isa. Ang Maguindanao Sultanate, gayundin ang iba pang mga kadahilanan, ay isang pangunahing salik sa Islamisasyon ng Maranao, ang huling grupo ng mga Muslim sa Timog Pilipinas. Ang mga Maranao ay may mga pinuno ng tribo na kilala bilang mga datu noong panahon na ang mga Kastila, noon ay ang mga Amerikano at ang mga Hapon, ay nominal na sumakop sa Pilipinas, kasama ang mga kalapit na Moro at Lumadnon. Sila ay umunlad sa isang monarkiya na may isang Sultan noong ika-16 na siglo, sa pagpasok ng Islam, salamat sa impluwensya ng mga misyonerong Muslim.

                   Ayon sa pananaliksik, ang Maranao ay may bilang na 1,354,542 noong 2010, na kumakatawan sa 1.47% ng populasyon. Kasama ng Iranun at Maguindanao, ang Maranao ay isa sa tatlo, magkakaugnay, katutubong grupong katutubong Mindanao. Ang mga grupong ito ay nagbabahagi ng mga gene, linguistic at kultural na relasyon sa mga di-Muslim na grupong Lumad tulad ng Tiruray o Subanon. Ang mga maharlikang Maranao ay may iba't ibang infusions ng Arab, Indian, Malay, at Chinese na ninuno.
                   Ang mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur ay tahanan ng mga Maranao, na nagsasalita ng wikang Austronesian ng Maranao. Halimbawa: "Goodmorning" ang ibig sabihin sa Maranao ay "Mapiya Kapipita", "Welcome" o "Bolos Ka" at "Thank you" o "Madakel a". Maraming Maranao din ang bihasa sa Cebuano dahil sa malawakang paglipat ng mga Cebuano sa Mindanao. Ang isang maliit na bahagi ng mga taong Moro ay nagsasalita ng Arabic, isang Central Semitic na wika na nagsisilbing relihiyon ng Islam at ginagamit sa liturhiya nito. Gayunpaman, bukod sa paggamit nito sa relihiyon, karamihan sa mga Maranao ay hindi marunong bumasa at sumulat sa Arabic.

PANINIWALA NG MGA MARANAO
                Isa sa ipinagmamalaki ng mga lahing Pilipino na mayroon isa sa pinakamayamang kultura at makulay ay ang mga mamamayang Maranao. Ito ay kanilang ginagamit na ekspresyon ng kanilang mga paniniwala ukol sa kung saan nagmula ang mundo at ang kanilang role o bahagi rito. Kultura, paniniwala, tradisyon at kaugalian ng mga muslim sa Malaysia kapag may patay o mamatay. Ang mga Yakan ay mahilig sa sining. Tinatawag na Maranao ang mga taong nakatira sa Marawi. Ang mga Pilipinong Muslim ay may kultura na kung saan ang mapapang-asawa ng isang Muslim ay magiging sang-ayon sa desisyon ng kanilang mga magulang at hindi sa sarili nilang desisyon.

             Ang pag-aasawa ng Muslim ay ipinanagkakasundo ang lalaki at babae sa ayaw at sa gusto nila mahal man o hindi niya mahal. Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim ay ang Malong isang malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan. Pagbibigay ng Dowry o bayad sa mga magulang ng babae.

          Dahil ang Maranao ay nasasakop din sa mga Muslim, sila ay may iisa lamang na pinaniniwalaan. Narito ang isa sa mga pinaniniwalaan nito:

• Kaisahan ng Diyos:”Tawheed”
Ang mga Muslim ay naniniwala na mayroon lamang nag iisang kataas-taasang Diyos(Allah). Sa Islam ang maniwala kay Allah ay hindi lamang maniwala sa Pagkakaroon ni Allah(Diyos) bagkus pati narin ang paniniwala sa lahat ng katangian ni Allah, sa pag-samba sa kanya ng nag-iisa, at ang pagsunod sa lahat ng kanyang pinaguutos. Ang Tawheed ay kabilang ang kaisahan ng pag kapanginoon,at kaisahan ng pagsamba, at kaisahan ng mga Pangalan at mga Katangian:

A) Ang Kaisahan ng pagkapanginoon: Na maniwala na si Allah lang ang tagapaglikha at tagapagtustos at Ang tagapag-utos.
B) Ang Kaisahan ng Pagsamba: Na maniwala na si Allah lang ang panginoon, na dapat sambahin at sundin sa kagaya ng pinag uutos nya.
C) Ang Kaisahan ng Pangalan at Katangian ni Allah: Na maniwala na si Allah ay perpekto at ang kanyang mga pangalan at katangian ay perpekto ayon sa sinabi ni Allah sa atin tungkol sa kanyang sarili sa Quran, na ang maniwala na ang lahat ng mga Pangalan nayun at mga katangian, at ang pag kaperpekto nito , ay pag-mamayari lamang ni Allah.

•Ang Muslim ay naniniwala na walang kabahagi ang pagkadiyos ni Allah kahit man ang Anghel o Tao.
Si Allah ay nagsabi”at si Allah ay walang kabahagi sa kanyang pagpapasya at ng kanyang pamamahala. (Banal na Quran 18:26)
•Ang mga Muslim ay hindi naniniwala na si Allah ay natutulog, napapagod o namamatay. Yoong mga katangian na iyon ay para lamang sa kanyang mga nilikha. Si Allah ay walang kahit man na kahinaan o kapaguran.
•Ang mga Muslim ay hindi naniniwala na ang mga tao ay nilikha mula sa imahe ni Allah.
•Ang mga Muslim ay naniniwala na walang tagapamagitan na mag papalapit kay Allah o manawagan at humiling sa ngalan nino man.Sila ay naniniwala na kahit sinong indibidwal ay maaring manalangin kay Allah ng kahit anoman ang kanyang hilingin at gustuhin.

MATERYAL NA KULTURA AT PANINIWALA 
                    Ang mga Muslim ay kilala dahil sa kanilang kakaibang kultura at paniniwala. Isa sa mga kulturang muslim ay ang kanilang mga magaganda at makukulay na mga kasuotan na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno.  Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Maranao ay ang “Malong”, isang malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan. Karaniwan, sinusuot ito ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas na dulo ay nakatagpi sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman, sinusuot ito na nakapaligid sa baywang tulad ng isang palda. Maaari din itong gamitin bilang isang amerikana, kappa, kumot, o payong. 

Kasama na rin ang mga kulturang ito: 

Kombong - ito ay malong na gingamit ding turban.
Sawal” naman o “kantyu” - isang maluwag at malaking pantalon na gawa sa malambot na tela na sinusuot sa mga babae at lalaki. Ang mga lalaki, sinusuot ang Sawal pares ang polo-shirt habang ang mga babae ay sinusuot ito kasama ng “sambra”, isang V-neck na blusa.
Tobao - Tradisyonal na kasuotan sa ulo ng mga kalalakihan.Isa itong tela na nakapalibot sa ulo na may desinyong heometriko, bulaklak, kaligrapya ng mga Arabe.
•Sari-manok - ang metikong-ibon ng maranao, ito ay anyo ng ibon na may image ng isda sa tuka nakilala na likha at simbolo ng kanilang sining.
Okir - tumutukoy sa makurba at malantok na desinyo sa paglililok ng kahoy.
Kulintang- grupo ng walong nakahanay at magkakaibang sukat ng gong na nakapatong sa mahabang kwadro
Bangan - malaking drum na gawa sa balat ng hayop
Gong- ginagamit nila pangtugtog 
Kator-o - pinakamahalagang instrumento ng mga maranao hinapi sa kamay hindi sa makinarya.
Tabong - isang malaking haligi na makikita sa labas ng bahay ng mga maranao.
Singkil - sikqt na sayaw ng mga maranao. 

TRADISYONAL NA LARO NG MGA MARANAO

Sipa sa Lama
 ✓Sipa sa Manggis
    Ang sipa ay gawa sa rattan. Ang pwede lang makalaro nito ay ang mga lalaki, kailangan kompleto rin ang kanilang mga tradisyonal na kasuotan.
Gura - sumbrero ng mga maranao
✓Balud- damit pantaas
Landap- maling na pang-ibaba
Dalapi- manipis na kahoy na may ukit ng desinyong mranao, ito ay gawa sa matigas na kahoy tulad ng mangga na sinisuot nila sa kanilang paa.

DI-MATERYAL NA KULTURA NG MARANAO

Kaugalian
     Nakatira sila sa gilid ng lawa ng Lanao. Hinango ang kanilang pangalan sa kahulugan nito na "ranao" dahil sa lawa nila. Ang lungsod ng Marawu ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw nga Maranao. ilan sa kanilang hanap-buhay ang ang:

1. Pangingisda
2. Pagsasaka kasama na ang ilang pagmimina
3. Paghahabi gamit ang kanilang sinaunang proseso
4. Pagdidisenyo ng gamit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.

    ✓Ang mga Maranao ang karaniwang mga magsasaka ay may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng iba't-ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi at klase-klaseng uri ng tropical na prutas. 
    ✓Ang pagliligaw naman ng mga binatang Marano ay kailangan pa nila ng tulay o mediator.
    ✓Adat - ito ay isang batas pangkaugalian na tumutulong sa paghutok ng pagkatao ng mga Maranao

Pamahalaan
   ✓Binubuo ng dalawang distrito
   ✓Ang pagpataw ng mga multa at iba pang legal na pagbabawal ay saklaw naman ng mga korte ng AGAMA na pinamamatnugutan ng mga sultan.

Paniniwala
    ✓Madalas dalawin ng lindol kaya ang mga bahay dito ay hindi nakabaon sa lupa.
    ✓Mayroon silang isang tradisyunal na paraan sa paghulinng mga magnanakaw. Ito ay ang paraan sa pamamagitan ng paghulog ng isang barys sa isang kalderong may kumukulong tubig upang kunin ang barya.
    ✓Ang lahat ng suspek ay inaatasang ilubog ang kanilang kamay sa kumukulong tunig upang kunin ang barys. Kung sino ang tatangging gumawa nito ay siya ang sinasabing magnanakaw at pipiliting magsauli ng ninakaw na gamit.
   ✓Bawal mag sign of the Cross dahil ito ay kasalanan. Hindi ka din dapat kumain ng isdang tilapia kung may libing kasi may mamamatay sa pamilyo mo. 

Relihiyon o Pananampalataya
    ✓Islam ang paniniwala
    ✓Sila ang pinakamalakijg grupo ng Islam dito sa Pilipinas

Sining
    ✓Ang impluwensya ng mga Hindus ay pananampalatayang Islam ay nabakas sa mga lilok na makikita sa mga medya-agua ng kanilang mga tahanan at sa arko ng kanilang vinta.
    ✓Sarimanok ay impluwensya rin ng mga hindu sa kanilang kultura.